Edgar Matobato now at PNP Custody: "Hindi Magagalusan si Matobato" - Dela Rosa
Tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa ang kaligtasan ng sef-confessed hitman na si Edgar Matobato habang nasa kostodiya ng pambansang pulisya.
Matapos mai-turnover ni Senator Antonio Trillanes IV si Matobato sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na sisiguruhin nilang ligtas si Matobato at bibigyan nila ito ng proteksyon.
Sumailalim si Matobato sa booking process sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang dumating ito sa Crame,
Ani Dela Rosa, hindi magagalusan man lang si Matobato at kung kakailanganin iisyuhan pa nila ito ng bullet-proof vest, helmet at goggles para lang masiguro ang kaniyang kaligtasan.
Si Matobato ay babantayan ng mga tauhan ng CIDG habang nananatili sa kostodiya ng pambansang pulisya.
Pinasalamatan naman ni Dela Rosa si Trillanes sa pagtitiwala nito sa PNP.
Inaasahang tatagal ng ilang araw doon si Matobato habang kumukuha ito ng airline ticket patungong Davao upang makaharap naman sa korte na nagpalabas ng arrest warrant laban sa kaniya.

Reviewed by ritche
on
11:07 PM
Rating:
No comments: