Estudyante tiklo sa pagpupuslit ng P25-M droga sa NAIA
MANILA - Inaresto ang isang estudyanteng nagtangkang magpuslit ng 4.8 kilo ng iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes.
Limang araw nagbakasyon sa Brazil ang 22-anyos na suspek na si Jon-Jon Villamin, pero nakakuha ng tip ang mga awtoridad na may pasalubong siyang ipinagbabawal.
Paglapag sa NAIA Terminal 3 ng kanyang connecting flight mula sa Dubai, sinilip ng mga awtoridad ang chineck-in na maleta ni Villamin.
"Noong na-confirm ng x-ray na may shadow 'yung bag, we placed him in isolation. From there, we used K-9 unit of PDEA to check. Tapos inupuan yung bag. From there, suspect talaga at binuksan," ani Bureau of Custooms Deputy Commissioner Arlan Alcaraz.
Nakita sa ilalim ng mga damit at candy ng suspek ang purong cocaine na selyado ng plastic.
Ayon sa NAIA Anti-Drug Task Group, ipapasa sana ito ni Villamin sa taong ko-contact sa kanya paglapag. Sa Hong Kong din anila siya maaaring na-recruit na maging drug courier nang manatili siya roon ng 10 araw bago pumunta sa Brazil.
Tumangging magbigay ng pahayag ang estudyanteng iginiit lang na galing ang maleta sa isang kaibigan. Anya, "I am a victim here... I asked them, they said it was safe.
Halos pareho ang kaso ni Villamin sa matandang Amerikanong nahuli sa Clark Airport noong Agosto nang magpuslit din ng cocaine mula sa Brazil, sabi ng PDEA.
Dagdag nila, ilang libong pakete ang maaaring magawa mula sa dala ng estudaynte na pure cocaine, na nagkakahalaga ng P25 milyon.
Lumalaki din anila ang demand para sa cocaine dahil sa mga operasyon ng pulisya sa Oplan Tokhang, na karaniwang tumatarget sa mga gumagamit at nagtutulak ng shabu.Paalala ng mga awtoridad sa mga mag-aaral, huwag magpadala sa mga nag aalok ng libreng biyahe dahil maaaring may kapalit ito na iligal.
[Source]

Reviewed by ritche
on
3:41 AM
Rating:
No comments: