Top Ad unit 728 × 90

Ad Inside Post

Dr Wilie Ong: Mali po ang Paratang na “Psychopath”

Please SHARE para sa KAALAMAN ng BAYAN:

Mali po ang paratang na “Psychopath”
Ni Dr Wilie Ong

Sa aking opinyon, HINDI puwedeng basta gamitin ang salitang "Psychopath: ng walang basehan o eksaminasyon. Sa buong mundo, 1% lang ang psychopath.

Pag-usapan natin ang MEDIKAL na ibig sabihin ng psychopath.

Kadalasang ginagamit ang paratang na psychopath sa mga kriminal na nasa kulungan. Sa Ingles, tinatawag din silang “mentally insane” or “crazy”.

Ito ang mga katangian ng isang psychopath:

1. Walang malasakit sa kapwa – Walang siyang pagmamahal o pakialam sa kapwa. Hindi niya namamalayan kung takot na ang ibang tao sa kanya. Sa medisina, may diprensya ang mga nerve connections sa utak nila.

2. Kulang sa emosyon – Ang mga psychopath ay hindi nakakaramdam ng hiya o pagiging guilty. Sa katunayan, kahit saktan mo sila, hindi sila nababahala o natatakot.

3. Hindi responsable – Ang mga psychopath ay laging sinisisi ang ibang tao. Kahit siya na ang may kagagawan ay magiging kasalanan pa rin ng ibang tao.

4. Magaling mambola at charming - Ang mga psychopath ay madalas magsinungaling para lang sa sariling kapakanan. Ginagamit nila ang ibang tao.

5. Malaki ang bilib sa sarili – Overconfident ang psychopath. Pakiramdam nila ay kaya nila gawin lahat, kahit wala naman silang kakayahan.

6. Walang plano para sa kinabukahan.

7. Suwapang at hindi marunong magmahal – Laging pansarili ang iniisip nila.

8. Violence – Kahit mainis lang sila ng konti ay biglang sasabog na sa galit. Hindi naman lahat, pero may mga psychopath na kayang magnakaw at pumatay ng tao.

Huling payo: Kung may kakilala kayo na mukhang psychopath, mag-ingat kayo at mas mabuti na mapagamot siya sa isang psychiatrist.

Note: Fair lang po ako. Mali lang kasi ang paggamit ng MEDIKAL na salitang "Psychopath". Ayokong mapahiya ang bansa at kapwa Pilipino na hindi natin alam ang ibig sabihin ng Psychopath. Dagdag kaalaman din ito. Para maging aware tayo kung may Psychopath nga sa paligid natin. 1% ng populasyon ay psychopath. Pero sa bilangguan, 15% ang mga psychopath. God bless sa lahat. - Doc Willie



Dr Wilie Ong: Mali po ang Paratang na “Psychopath” Reviewed by ritche on 5:31 AM Rating: 5

No comments:

All Rights Reserved by the philippine post © 2014 - 2015
Powered By Blogger, Designed by Sweetheme

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.